DOH aminadong mahirap ng maabot ang 90% vaccination coverage sa nalalabing mga araw ng MR OPV SIA

CAMARINES NORTE- Aminado ang Department of Health na malabo nang maabot ng rehiyon ang 90% na vaccination accompliishment sa nalalabing ilang araw ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera sinabi nito na nahaharap sila ngayon sa “challenging phase” ng kampanya para sa Measles Rubella vaccination.

Nasa 71% pa lang kasi ang accomplishment ng rehiyon o kapus sa target na 90 % sa ikatlong linggo ng MR OPV SIA.

Ani Vera, ang kakulangan daw talaga ng tiwala sa bakuna ng mga magulang ang dahilan kung bakit tumatanggi ang mga itong pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sa datos ng DOH Bicol hanggang kahapon, May 22, mayroong halos 500 magulang ang tumangging pabakunahan ang kanilang anak.

Dahil dito nangangamba ang DOH na magkaroon ng outbreak ng nabanggit na sakit kung hindi maabot ang target.

Pero dahil ilang araw na lang target na lamang umano ng ahensiya na mabakunahan ang 85 %.

Kaugnay nito umapela si Vera sa mga Local Government Unit na rebisahin ang kanilang mga initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *