DOH at BFP-Bicol, sanib-pwersa na upang mapalakas ang kampanya kontra covid-19; On-the-Road Bandillo program, inilunsad

BICOL – SANIB-PWERSA na ang Department of Health (DOH) at Bureau of Fire Protection p BFP-Bicol upang mas lalong palakasin ang kampanya ng rehiyon kontra covid-19 sa pamamagitan ng inilunsad na β€œOn the Road Bandillo” program.

Ang On The Road Bandillo ay kombinasyon ng BIDA Solusyon Plus at Resbakuna Campaign ng health department at Oplan Ligtas na Pamayanan ng BFP.

Kamakalawa ng isagawa ang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding o MOU na dinaluhan din ng iba pang mga opisyal ng dalawang ahensya.

Sa Bandillo program, iikot ang ang mga firetrucks ng BFP sa kanilang mga nasasakupan para i-anunsyo sa publiko ang kaugnay sa nasabing mga programa.

Sa mensahe ni DOH-Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera, ipinunto nito ang nakaka alarmang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa rehiyon at kahalagahan ng kooperasyon ng bawat Bicolano upang mapigilan ito.

Nakakalungkot umanong isipin na marami pa rin ang bigong sumunod sa mga simpleng panuntunan tulad ng pagsusuot ng facemask at social distancing.

Inihayag naman ni  BFP-Bicol chief, Sr. Supt. Renato B. Capuz ang kahandaan ng kanilang hanay na suportahan ang adbokasiya ng DOH gayundin sa kanilang programa na oplan ligtas sunog ay maisulong din ang pamayanang ligtas naman sa Covid-19.

Samantala, natapos ang aktibidad sa ginawang ceremonial send-off ng mga firetrucks at pag-aalay ng dasal para sa proteksyon ng bawat isa lalo ng mga BFP personnel na siyang mangunguna sa kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *