DOH-Bicol, hinihikayat ang mga kakabaihan sa rehiyon na sumailalim sa libreng HPV-DNA testing kontra ‘cervical cancer’

BNFM BICOL—Hinihikayat ng Department of Health-Bicol ang mga kababaihan sa rehiyon edad 30-49-anyos na i-avail ang libreng “HPV DNA testing” sa mga ospital ng ahensya bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra Cervical cancer.

Ayon sa DOH, isinasagawa nila ang libreng pagbibigay ng HPV DNA Testing sa pamamagitan ng kanilang mga regional hospitals upang maagapan ang posibleng HPV infections sa mga kababaihan na siyang pangunahing sanhi sa pagkakaroon ng cervical cancer.

Paliwanag ng ahensya, ang HPV o ‘Human Papilloma Virus’ ay isang uri ng sexually transmitted infection at ika-apat sa mga pangunahing uri ng cancer na ikinamamatay ng mga kakabaihan.

Kabilang umano sa mga sintomas nito ang pagkakaroon ng blood spots;  heavy menstrual bleeding o sobrang lakas na regla; pag increase ng vaginal discharge at pananakit ng pwerta sa tuwing nakikipag-talik.

Libreng matatanggap ang HPV testing sa mga pangunahing ospital sa Bicol gaya ng Bicol Regional Hospital and Medical Center o dating BRTTH sa Albay at ang Bicol Medical Center sa Naga City.

Hinihikayat rin ng DOH ang mga batang babae edad siyam hanggang 14-taong gulang na magpabakuna ng HVP vaccine sa pinakamalapit na health centers sakanilang lugar para mabigyan ang mga ito ng proteksyon kontra sa nasabing sakit.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *