DOH-Bicol, hinikayat ang publiko na i-avail ang mga programa para makaiwas sa peliro ng pagkakasakit sa puso o heart disease

BICOL – HINIMOK ng Department of Health-Center for Health Development DOH-CHD Bicol ang publiko na i-avail ang kanilang cardiovascular wellness program para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso o heart disease.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na katuwang nila ang mga LGUs sa pagsusulong ng  Philippine Package of Essential Non-Communicable Diseases Interventions o PhilPEN program para sa early screening at detection ng ibat-ibang sakit sa puso at iba pang sakit gaya ng diabetes, chronic respiratory diseases, at cancer.

Sa pamamagitan naman ng “Chikahang Pangkalusugan” program, tinalakay ni Dr. Mary Ann Roa na isang internist-endocrinologist, ang mga  risk factors ng hypertension at mga pamamaraan para maiwasan o gamutin ang ganitong kondisyon.

Paliwanag nito, mayroong dalawang risk factors ang hypertension. Una ay ang  Non-modifiable risk factors tulad ng edad, kasarian, lahi, at family history o genetics. Habang kabilang sa Modifiable risk factors ang paninigarilyo, pag inom ng alak, obesity, diabetes, stress, lack of exercise at unhealthy diet.

Kung hindi umano masusuri ng maaga, ang komplikasyon ng pagkakaroon ng cardiovascular disease ay maaaring mauwi sa atake sa puso, kidney failure, peripheral arterial disease pati na ng dementia.

Ang Hypertension o high blood pressure ay isang seryosong kondisyong medikal at kabilang sa mga pinakanakamamatay na sakit sa buong mundo kung saan ilan sa mga sintomas nito ang pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagdurugo ng ilong, hirap sa paghinga at panghihina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *