DOH-Bicol, muling nagbabala sa epekto ng mga covid-19 variants; kampanya at pagbabakuna, “walang silbi” kung patuloy na lalabag sa mga ipinatutupad na pag iingat

BICOL – “Walang silbi at sayang, kung walang kooperasyon at pagsunod.”

Ito ang ipinunto ni DOH Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino kaugnay sa nagpapatuloy na kampanya ng ahensya kontea covid-19 at malawakang pagbabakuna kontra sa sakit.

Aniya, hindi na lamang basta sa covid-19 dapat mag ingat ang publiko kundi maging sa mga na detect na bagong variants nito.

Pagpupunto ng opisyal, lumalakas ang virus gayundin dapat ang proteksyon ng tao.

Paliwanag nito, nagkakaroon ng pagbabago sa proseso ng pagpaparami ng parent variant kung kayat posibleng maging mas matindi pagdating sa “infect at effect”.

Inihalimbawa nito ang reputasyon ng Delta variant bilang double variant, ibig sabihin umano ay may katangian bilang “highly infectious”, mabilis magparami at mas nakakapaminsala.

Mas malala umano ang epekto nito sa mga indibidwal na walan pang bakuna.

Habang Alpha at Deta variant na una nang na detect ang local transmission sa rehiyon, mataas umano ang “probability” na mahawaan nito ang mga indibidwal na bakunado man o hindi at mababa ang resistensya.

Gayunpaman, dapat umanong magpabakuna pa rin dahil sa ganitong paraan lamang maiiwasan ang malalang epekto ng nasabing mga variants sa katawan ng tao gayundin napatunayan na mas mababa ang tyansa ng pagkaka ospital o pagkamatay ng mga taong nakatanggap na ng bakuna kontra covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *