DOH Bicol, muling nagpaalala sa publiko ngayong summer season

LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) Bicol sa publiko ng mga dapat at hindi dapat gawin ngayong summer season.

Ayon kay DOH Bicol Assistant Regional Director, Ferchito Avilino, ngayong Semana Santa ay maraming uuwi mula sa ibang mga lugar sa labas ng rehiyon at marami rin naman ang aalis.

Dahil dito, marami umano ang pupunta sa mga paliguan at iba’t ibang pasyalan, kung kaya’t patuloy na panatilihin ang pagiging ligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa kalsada.

Maliban dito, panatilihin din ang pag-iingat sa kalusugan dahil laganap ang mga viral infections lalo na ngayong tag-init.

Kung walang sapat na pag-iingat, maaari umanong magkaroon ng sore eyes, skin disease, ubo’t sipon, lagnat at iba pang mga sakit.

Aniya, nararapat lamang na ienjoy ang bakasyon, subalit huwag din namang hahayaang pabayaan ang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *