DOH-Bicol nababahala sa mababa pang turn out ng pagbabakuna laban sa Tigtas at Polio

NAGA CITY- Nagbabahala ang Department of Health Bicol sa mababa pang turn out ng bakuna laban sa Tigdas at Polio sa nagpapatuloy na Measles, Rubella (MR), Oral Poliovirus Vaccine (OPV) Supplemental Immunization Activity.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Regional Director Dr. Ernie Vera halos 43.79% pa lamang ng  630,000 na target sa rehiyon ang naabot. Sa lalawigan ng Camarines Sur 191,000 ang target , 35.81% pa lamang ang naabot.

Ayon sa RD Vera, natatakot sila kung hindi maabot ang target dahil hindi malayo ang posibilidad na magkaroon ng outbreak dahil kulang sa proteksyon.

Ang komplikasyon ng naturang mga sakit ay maaaring makamatay.

Kaya naman ang mga health care workers sa Camarines Sur sinisuyod ang mga barangay; kung hindi man sa isang venue ay nag ha-house-to-house upang mabakunahan ang mga edad 9-59 months kontra sa measles at rubella habang ang 0-59 months old naman mabigyan ng oral polio vaccine.

Panawagan ni ng DOH Regional Director, kailangan mag doble kayod ang LGU , palawakin pa ang pagbabakuna. Dapat may maayos din na deployment ng mga bakunador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *