DOH Bicol, nagpaalala sa publiko na ang mass PhilPEN risk assessment activity ay libre lamang

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Health (DOH) Bicol na ang isinasagawang Mass PhilPEN Risk Assessment Activity katuwang ang mga Local Govenment Units (LGU) ay libre lamang.

Ayon sa ahensya, nakatanggap sila ng ulat patungkol sa umano’y isang grupo na nagpapabayad kapalit ng ‘“PhilPEN Risk Assessment”.

Nagpaalala ang ahensta sa publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa sinumang nagpabayad kapalit ng naturang serbisyong pangkalusugan, at mag report lamang sa kanilang kagawaran kung may nakitang ganitong uri ng panloloko.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng DOH Bicol ang publiko na makiisa sa PhilPEN Risk Assessment sa buong buwan ng Marso upang malaman kung mayroong posibilidad na magkaroon ng mga sakit tulad ng hypertension, diabetes at iba pa.

Makipag-ugnayan lamang sa health centers sa komunidad upang alamin ang iskedyul ng Mass PhilPEN Risk Assessment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *