DOH Bicol nilinaw an pagbabakuna sa mga teaching personnel ng mga universities at government agencies

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag na ng Department of Health (DOH) Bicol ang naging dahilan nang pagbabakuna kahit hindi umano pasok sa priority group ang mga teaching personnel sa mga Universities at Government Agencies.

Ayon kay Kenn Nuyda, Regional Epidimeology and Surveillance Unit (RESU) ng nasabing tanggapan, nilinaw na ang kategorya ng binakunahan sa mga teaching personnel sa university at government agencies ay pasok parin ito sa A2 at A3 priority group dahil kabilang ang mga ito sa vulnerable group na madaling tamaan ng covid 19.

Aniya, ang mga nasa government personnel at teaching personnel na nasabing priority group ay kailangan mabigyan ng bakuna ay upang maiwasan na magkaroon pa ng malalang karamdaman sa sakit o pagkasawi sa covid 19 .

Dagdag pa nito, kahit nabakunahan na ang nasa A4 at A5 priority group na mga government agencies at university ay para maiwasan na rin ang naturang sakit at mabigyan ng proteksyon kontra sa covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *