DOH Bicol, target na maging Malaria-free ang rehiyon sa taong 2030

LEGAZPI CITY – Target ng Department of Health (DOH) Bicol na maging Malaria-free ang rehiyon pagdating ng taong 2030.

Ayon kay Jobal Bachiller, Development Management Officer 3 ng nasabing kagawaran, kahit malayo pa ang 2030 ay maaari na itong maideklara  basta ang anim na lalawigan ay Malaria-free na rin.

Aniya,kailangan lamang na kumpletuhin ang mga requirements na kailangan ng World Health Organization (WHO) upang maideklarang Malaria-free ang Bicol.

Dagdag pa niya, tanging ang Camarines Norte na lamang ang nag-iisang lalawigan sa rehiyon na hindi pa Malaria-free.

Ang Malaria ay isang nakamamatay na sakit dulot ng parasite na “plasmodium” at kadalasang naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na “anopheles” ngunit maaari naman umano itong maiwasan at magamot. Inaasahan din ni Bachiller na sa susunod na taon ay maideklara na ring Malaria-free ang nabanggit na lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *