DOH Bicol, wala pang direktiba sa pagbaba ng mas maraming bakuna sa Naga City kahit na prayoridad ng pamahalaan ang MECQ

NAGA CITY- Wala pang direktiba ang Department of Bicol sa pagbaba ng mas maraming bakuna sa Lungsod ng Naga ngayong nasa ilalim ito ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 30, 2021.

Ito ang kinumpirma ni Dra. Rita Ang-Bon, DOH-Bicol Covid-19 vaccine program coordinator. Aniya batid nila ang kautusan ng pangulo na i-prioritize ang mga lugar na nasa MECQ, sa Bicol Region tanging Naga ang nakasama.

Sa huling datus ng City Health Office 3, 340 o  1.54% ng populasyon ang nakatanggap ng mula 1st dose ng bakuna mula sa pamahalaan.  306 o 0.14% naman sa 2nd dose. Hindi pa rito kasama ang mga naturukan noong Hunyo 10, 2021 na nasa 400 ang target sa 2nd dose.

Samantala, ipinaliwanag pa ng vaccine coordinator may mga probinsya sa Bicol na mas mataas ang alokasyon dahil sa master listing o pagpapalista sa COVID vaccination program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *