DOH-Bicol wala pang rekomendasyon na isailalim sa muli sa ECQ ang buong Camarines sur kasama ang Naga City subalit LGUs at Provincial Government dapat i-assess ang sitwasyon

NAGA CITY-  Wala pang rekomendasyon ang Department of Health Bicol upang isailalim muli Enhanced Community Quarantine ang buong Camarines Sur at Naga City subalit ang bawat LGU ay may kapangyarihan na gawin na ito sa kanilang bayan o lungsod kung kinakailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nito ngang mga nagdaang araw umaabot sa mahigit 100 na kaso ang nairerecord sa probinsya kasama na ang sa independent component city.

Sinabi ni Dr. Lulu Ramos Santiago, Emerging and Reemerging Infectious Diseases (ERID) coordinator ng DOH Bicol depende kase ito sa 2 week growth rate, average daily attack rate at health care utilization rate. Ito ang mga basehan sa pagbigat o pagluwag ng quarantine classification subalit dapat ring i-assess ng LGUs at Provincial Government ang sitwasyon.

Sa record ng DOH Bicol noong Agosto 28, ang Probinsya ng Camarines Sur at Naga City ay nasa Alert Level 4. 

Magsasagawa pa ng risk classification ang Regional Epidemiological Surveillance Unit  o RESU at pag-uusapan pa ng Bicol Interagency Task Force.

Paalala na lamang ni Dr. Santiago, limitahan ang pagtitipon at pagkukumpulan sa mga establishimento.

Una nang inirekomenda ni Naga City Councilor Dodit Beltran sa Health Emergency Task Force o HERTF na ipatupad ang ECQ sa Naga, ganito rin ang mungkahi ni Calabanga Mayor Ed Severo sa buong Camarines Sur upang mapababa ang hawaan at malimitahan ang galaw kahit pa batid na mahirap ito pagdating sa pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *