DOH, bumubuo na ng mga panuntunan para sa posibleng mixed-use vaccination

Bumubuo na ang Department of Health (DOH) ng mga panuntunan para payagan ang isang tao na tumanggap ng ibang brands ng coronavirus vaccine para sa first at second dose.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ito ay kasunod ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa China na i-recall ang kanilang 1,000-dose donation ng Sinopharm vaccine, na parehong bakuna na itinurok sa kanya noong Lunes.

Mababatid na ang Sinopharm ay hindi pa nakakakuha ng emergency use authorization mula sa FDA hanggang sa ngayon.

Samantala, para naman sa mga nabakunahan gamit ang Sinopharm, sinabi ni Domingo na pinag-aaralan na ng DOH ang posibilidad ng mixed-use vaccination, lalo na para sa mga vaccinees na nakaranas ng severe allergic reactions sa kanilang first dose, at natatakot na tumanggap ng second dose ng bakuna mula sa parehong brand. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *