DOH-Camarines Norte magkakaroon na ng permanenteng opisina matapos ang ilang taong pagpapalipat- lipat

CAMARINES NORTE – Magkakaroon na ng permanenteng opisina ang Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Isa ang lalawigan sa iilang probinsiya sa bansa na walang sariling Provincial Office ang DOH na kinailangang  pang magpalipat- lipat at mag renta ng building.

Noong nakaraang Biyernes, November 17 ay isinagawa ang ground breaking ceremony sa itatayong single- storey building sa Camarines Norte Provincial Hospital Ground malapit sa Outpatient Department.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola, maituturing na “dream come true” ang pagkakaroon ng sarili at permanenteng opisina.

Mababatid na dating nag oopisina ang DOH sa CNPH  ilang taon na ang nakakalipas hanggang sa lumipat ito sa Talisay.

Pero dahil kakailanganin ang espasyo para sa pagpatayo noon ng bagong munisipyo ay bumalik ito sa CNPH.

Muli itong umalis at nag renta sa Central Plaza Complex ng mga ilang taon hanggang sa lumipat na naman ito sa NIA compound hanggang sa kasalukuyan.

Ang problema daw talaga nila ay ang pondo kaya lumapit na rin sila sa tanggapan ni Congresswoman Rosemarie Panotes kung saan nanggaling ang pondo na ipapatayong opisina.

Aminado si Iraola na talagang hindi madali ang kanilang pinagdaanan magkaroon lang ng permenenteng magiging opisina.

Tiniyak naman ni Provincial Health Officer I Dr. Ran Jalgalado na mas paiigtingin pa ng probinsiya ang collaboration sa DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *