DOH Camarines Sur, pinag-iingat ang publiko sa food poisoning

CAMARINES SUR- Nagbabala ang Department of Health ng pag-iingat sa food poisoning ngayong Summer Season.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rey Millena sinabi nitong ngayong uso ang outing nakakabit na rito ang salo-salo.  Mabilis aniyang mapanis ang pagkain dahil sa temperatura. Nagbabala rin sa mga nagluluto ng maayos na food preparation.

Samantala sa Caramoan, binigyang diin ni MDRRM Officer Christian Aries Guevarra na hindi nila maikukunsiderang food poisoning ang nangyari sa walong mga turista mula sa National Capital Region at CALABARZON noong nagdaang Semana Santa.

Salaysay ng mga turista ang kinain nila ay mula sa establishment sa bayan ang dahilan. Dinala ang mga ito sa Caramoan Municipal Hospital at nabigyan naman ng paunang lunas.

Ayon kay Guevarra , hindi naadmit ang mga turista. Binigyan diin ng MDRRM Officer ang abiso sa mga  resort at establishment owners o simumang naghahanda ng pagkain na tiyaking ligtas ang ihahain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *