DOH- Camarines Sur, pinag-iingat ang publiko sa HFMD

NAGA CITY – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) Camarines Sur ang publiko sa hand, foot, at mouth disease sa probinsya lalo’t maraming kaso sa ilang bahagi ng bansa sa Albay nga ay mayroong 541 cases.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga ni Dr. Rey Millena, DOH Cam. Sur Officer, sinabi nitong inabisuhan na nila ang mga Health Offices, mga paaralan maging ang mga Lokal na Pamahalaan sa probinsya na maging alerto, mapagmatiyag at maging maingat lalo na mataas ang tiyansang baka kumulat na kadalasa’y mga bata ang tinatamaan na nag-eedad sa sampo pababa, na posible ring tamaan kahit mga matatanda, lalo na nakakahawa ang mga sakit na ito at maaaring lumala kapag hindi naagapan.

Ayon pa sa Doctor na kung sakaling may mga kaduda-duda na katulad nang mataas na lagnat, hindi na kumakain ng maayos ang mga bata agad nang ireport sa health personnel nang sa gayon ay agad nang magamot at maiwasan rin ang pagkalat.

Paalala na rin ng opisyal na laging pahugasin ng kamay ang mga bata, ang proper hygiene at iwasang pahawakan ang mukha.

Noong Hulyo sinabi sa BNFM ng Goa MHO na may mga batang nagkaroon ng mga butlig na namumula o parang mga may bulutong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *