DOH- central Office nagbigay ng P12 milyon para sa itatayong Super Health Center sa bayan ng Mercedes

Nagbigay ng P12 milyon ang Department of Health Central Office sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte para sa itatayong Super Health Center sa naturang bayan.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Alexander Pajarillo sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Kasunod yan ng ginawang pagpupulong noong Setyembre sa pagitan ng Alkalde at ng mga opisyal ng DOH – Health Facilities Enhancement Program sa pamumuno ni Director IV Leonita Gorgolon.

Ayon kay Pajarillo naumpisahan ang proyekto bago pa siya bumaba sa pwesto noong 2019 pero nahinto makaraang magkaproblema ang DOH sa contractor akaya hindi na natuloy ang trabaho.

Aniya nang matigil ang proyekto ay nasa 45 porsiento nang nayari ang struktura pero nasira ito ng magkakasunod na bagyo noong 2020.

“Actually meron na, nung bago ito matigil nasa 45 percent na yari kaya lang ngayon nasa 15 percent uli kasi nasira nung bagyo kasi may bubong na yun eh, kumpleto na yung bubong kaya lang nung nagkabagyo nung Ulysses, Pepito, Quinta nasira yung bubong,” ani Pajarillo.

“So nung nagpa- evaluate ulit sa DOH ang natira na lang is 15 percent na lang yung natira kaya binigyan pa ulit tayo ng P12 milyon na pondo.”

Malaking tulong ang gagawing Super Health Center sa Barangay Gaboc dahil mas malaki at kumpleto ito sa Municipal Health center.

Magkakaroon umano dito ng ultra sound, x- ray at laboratoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *