DOH: Daily COVID-19 cases, posibleng bumaba sa 429 sa Disyembre

Nakikita ng Department of Health na maari umanong bumaba ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa 429 araw-araw sa Disyembre, kung patuloy na masusunod ang minimum public health standards.

Alinsunod sa FASSSTER national projections, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, na ang daily at active COVID-19 cases ay maaring patuloy na bumaba sa susunod na buwan, kung ang kasalukuyang pandemic scenario at observance sa heath protocols ay mananatili hanggang sa panahon na iyon.

Sa gitna nito, nagbabala rin si de Guzman, na maaring tumaas ang infections sa 2,294 sa katapusan ng Disyembre kung magiging kampante lang ang mga tao.

Ipinaliwanag naman nito, na inaasahan na ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa increased mobility, social gatherings, at eased restrictions, pero hindi naman umano ito magiging dahilan ng casualties, lalo na sa vulnerable population.

Mababatid na batay sa datos ng DOH, nasa 73.5 million Filipinos na ang fully vaccinated, habang 20.7 million ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *