DOH: Hindi inoobliga ng batas ang pagpapabakuna vs. COVID-19 sa trabaho

Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi inoobliga ng batas ang pagpapabakuna sa mga manggagawa at sa mga naghahanap ng trabaho.

Ito ay matapos na maglabas ng executive order si Davao City Mayor Sara Duterte na nag-oobliga sa mga city government workers at volunteers na magbakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakasaad sa Section 12 ng Republic Act 11525 na hindi dapat ikonsidera bilang karagdagang requirement ang mga vaccine cards para sa educational, employment, at iba pang government transaction purposes.

Bagamat hindi obligado, nananawagan pa rin si Vergeire sa publiko na magpabakuna na sa kanilang local government unit (LGU) para sa karagdagang proteksiyon kontra COVID-19.

Kaugnay nito, matatandaan na ipinagbawal rin ng Department of Labor and Employment (COA) ang polisiya na “no vaccine, no work” noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *