DOH, IATF, magpupulong na matapos ilift ang global health emergency declaration vs COVID

Nakatakda nang pulungin ng Department of Health (DOH) ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 para talakayin ang at i-reasses ang mga umiiral na pandemic guidelines at protocols.

Ito ay makaraang ideklara ng World Health Organization na hindi na isang ‘global health emergency’ ang COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na magme-meeting na sila kasama ang iba pang miyembro ng IATF para magkaroon ng reassessment sa mga polisiya hinggil sa pandemic restrictions.

Tiniyak din ng DOH sa mga Pilipino na masinsinan nilang inaalam ang susunod na hakbang ng Kagawaran, at isinasaalang-alang din ang iba’t ibang mga salik bago magpatupad ng mga bagong protocols.

Kung maaalala, ni-lift ng WHO ang global health emergency declaration sa gitna naman ng nararanasang bahagyang pagdami ng mga COVID-19 cases sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *