DOH, ibinahaging negatibo mula sa COVID-19 ang mga close contacts ng mga Filipino travelers mula sa China

Ibinahagi ng Department of Health na wala sa mga close contacts ng walong unvaccinated Filipinos na dumating sa bansa mula sa China noong holidays, ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, tanging ang isang close contact lang ang nagpakita ng mga sintomas.

Mababatid na ang walong Filipino travelers na dumating sa Pilipinas mula China mula December 27, 2022 hanggang January 2, 2023 ay binigyan ng antigen tests nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport at nagpositibo sa COVID-19.

Kaugnay nito, natukoy ng DOH ang 89 na mga close contacts mula sa naturang mga travelers mula sa apat na iba’t-ibang flights, kung saan 46 ang mga dayuhan at 43 ang mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *