DOH, inirekomenda sa mga LGU ang pagbabalik sa pag-gamit ng RT-PCR tests

Inatasan ng Department of Health ang mga local government units na ibalik ang pag-gamit ng RT-PCR tests, sa halip na antigen tests, sa gitna ng banta ng bagong Omicron coronavirus variant.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Thea de Guzman, kailangang gamitin ang RT-PCR tests, upang ang samples ay maaring maipadala sa Philippine Genome Center, na magdedetect sa presensya ng Omicron variant.

Dagdag ni De Guzamn, kailangan iprayuridad ng mga LGUs ang pagpapadala ng positive samples sa Philippine Genome Center ng mga returning overseas Filipinos, severe COVID-19 cases, at mga kaso mula sa clusters.

Sa ngayon, wala pa namang nadedetect ang Pilipinas na Omicron variant, pero pansamantala nang ipinagbawal ang inbound flights mula sa 14 na bansa na mayroong kumpirmadong local cases. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *