DOH, iniulat ang karagdagang 2 kaso ng Omicron BQ.1

Iniulat ng Department of Health ang dalawang karagdagang kaso ng Omicron BQ.1, isang sublineage ng highly transmissible BA.5 subvariant na nagdala sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 16.

Batay sa pinakabagong genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula November 21 hanggang November 24, ang dalawang bagong local cases ng BQ.1 ay nagmula sa Regions 2 at 7.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Nauna nang iniulat ng DOH na ang 13 lokal na kaso ay mula sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR).

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Hindi pa makumpirma ng ahensiya kung ang natitirang kaso ay isang returning overseas Filipino o ROF.

Sinabi ng officer-in-charge ng DOH na si Maria Rosario Vergeire na ang BQ.1 ay “more transmissible and highly immune evasive” kumpara sa ibang Omicron subvariants.//CA