DOH iprenesenta sa IATF ang ilang konsiderasyon sa nakatakdang paglapse ng state of calamity

Iprenesenta ng Department of Health sa Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ang ilang mga konsiderasyon, sa harap na nakatakda nang magpaso ang deklarasyon ng state of calamity sa susunod na buwan.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na ang vaccination program ng bansa ay kasama sa deklarasyon ng state of calamity, at ang emergency use authorization ng mga bakuna ay mapapawalang bisa, kung hindi mapapalawig ang state of calamity.

Dagdag ni Vergeire, ang emergency procurement ng pamahalaan, tax exemptions para sa mga donors, price controls sa COVID-19 drugs at testing kits, at benepisyo para sa mga health workers ay magiging invalid narin.

Dahil dito, binigyang diin ng health official na pinag-aaralan nila ang lahat at nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para ma-manage ang lahat ng prosesong mawawala, upang manatili protektado parin ang bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *