DOH, itinangging may ‘cholera outbreak’ sa bansa kahit 282% ang itinaas ng kaso vs 2021

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon umano ng “outbreak” ng cholera sa Pilipinas sa kabila ng biglaang pagtaas ng kaso nito.

Pagkumpirma ni Maria Rosario Vergeire, umabot sa 3,729 ang kaso ng cholera sa Pilipinas simula Enero 2022 hanggang sa kasalukuyan, kung saan ito ay 282% na mataas kumpara sa mga kaso na napaulat sa kaparehong panahon noong 2021.

Dagdag ni Vergeire karamihan sa mga ay napaulat sa Region 8 Eastern Visayas, Region 11 Davao Region at sa CARAGA.

Sinabi ng opisyal na tumaas na sa epidemic threshold sa Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas, pero ang mga lokal na pamahalaan umano ang may kapangyarihang magdeklara ng outbreak ng naturang sakit.

Nabatid din na karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit ay mga nasa edad lima hanggang siyam na taong gulang, habang nasa 33 ang namamatay sa cholera ngayong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *