DoH, kinumpirma na ang local transmission ng bagong Omicron subvariant

Kinumpirma na ng Department of Health na mayroon nang local transmission ng bagong subvariant ng Omicron na BA.2.12.1.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong na-detect na kaso nito nang walang history ng travel sa labas ng bansa.

Maliban pa rito, kumpirmado rin ang tatlo pang bagong kaso ng subvariant na ito sa Western Visayas Region.

Dalawa rito ang local cases; habang isa ay isang returning overseas Filipino mula sa Amerika.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano ito maituturing na ‘community transition’.

Sa kabuoan, umakyat na sa 17 ang bilang ng BA.2.12.1 Omicron subvariant sa Pilipinas – 14 ang mga ‘recovered’ na, habang naka-isolate pa ang tatlong mga bagong kaso.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *