DOH, kita na rin ba ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic?

Nilinaw ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang mga naging pahayag ng World Health Organization hinggil sa pagtatapos ng pandemya ng COVID-19.

Una na kasing sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na posibleng ‘in-sight’ na ang pagtatapos ng pandemic situation sa iba’t ibang bahagi ng globo.

Sa media forum, sinabi ni Vergeire na ang naging pahayag ng WHO ay hindi nangangahulugang tapos na talaga ang pandemya.

Hindi pa umano tapos ang banta ng COVID-19, at ang kailangan lamang gawin ng bawat tao sa mundo ay matutong mamuhay kasama ang virus.

Ang dapat umanong pagtuunan ng pansin sa ngayon ay ang mga sumunod na sinabi ni Ghebreyesus partikular na ang mga panawagan nitong dapat ay hindi magpakakampante sa mababang severe at critical cases ng nakahahawang virus.

Aniya, ang mahalaga pa rin sa ngayon ay ang mataas na pagpapa-test.

Kailangan din umanong masiguro ang maayos na clinical management lalo na’t mas eqquipped na dapat ang mga kagamitan at kakayahan ng mga healthcare facilities at workers para malabanan ang pandemya.

Sinabi pa ni Vergeire na dapat ay ma-abot ang vacicnation targets hindi lamang sa primary dose, kundi gayundin sa booster rollout.

Dapat din aniyang malabanan ang tinatawag na ‘infodemic’ na nakaaapekto sa maling impormasyon laban sa bakuna.

‘It has affected the response of each and every country all over the world. Kailangan malabanan natin ‘yung nagpapakalat ng maling impormasyon, ‘yung nagpapakalat ng unscientific data laban sa bakuna, ‘o ‘di kaya laban dito sa mga response na ginagawa natin.’ ani Vergeire.

Ayon sa Health Official, sinabi ng WHO na naririto pa rin ang risk ng hawaan kaha naman dapat ay mapataas pa rina ng ‘layers of proteciton’ nang sa gayon ay tuluyan nang makabalik ang daigdig sa normal na pamumuhay.

Solante on WHO

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na ‘good news’ para sa ating bansa ang naging pahayag ng WHO.

Aniya, nangangahulugan umano itong sa mga susunod na buwan ay maaari nang i-lift ang public health emergency declaration.

Giit ni Solante, matapos ang higit sa dalawang taong pandemya ay maaari nang masabing kontrolado na rin ito.

Sa kabila niyan, nanindigan ang eksperto na hindi pa rin dapat magpaka-kampante sa mga epekto ng nakahahawang virus.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *