DOH may dine-develop na home care kit para sa mga mild COVID-19 cases

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mayroon itong dine-develop na home care kit para sa mga mild COVID-19 cases na tumutulong sa mga pasyente na i-monitor ang kanilang kondisyon sa gitna ng punuan pa rin ang mga ospital.

Ayon kay DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire, ang Office of the President mismo ang nagpulong sa kanila na gawin ang home care package para sa mga Pilipino.

Aniya, kung nais o kung inirekumenda sa COVID-19 patients na manatili sa bahay, magiging kumpiyansa ang mga ito dahil mayroon silang kit na naglalaman ng kanilang iinumin, at mayroon pang guidance mula sa mga doktor sa pamamagitan ng telemedicine.

Sinabi ni Vergeire na kabilang sa lalamanin ng home care package ang vitamins, mga gamot gaya ng paracetamol at instructions para sa mga pasyente kung anong dapat nilang bantayan at kung kailan sila dapat magtungo sa ospital.

Nakikipag-usap na umano ang DOH sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung paano mapopondohan ang home care kits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *