DOH, nadetect ang 44 na mga bagong kaso ng Omicron subvariants

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 44 na mga bagong kaso ng Omicron subvariants.

Sa ginawang genome sequencing ng University of the Philippines – Philippine Genome Center Main noong January 18, kabuoang 19 na mga kaso ang tinukoy bilang BA.2.3.20, walo ang XBB, apat ang BA.5, at isa ang kaso ng BN.1 na napaulat sa ilalim ng BA.2.75.

Sa gitna nito, nadetect din ng DOH ang 12 kaso ng iba pang Omicron sublineages.

Ayon sa ahensya, na ang lahat ng mga karagdagang BA.2.3.20 ang pawang mga local cases mula sa Regions 1, 3, at 4A, at ang XBB cases naman ay mula sa Regions 1, 3, 9, at sa National Capital Region (NCR).

Samantala, mayroon pang 10,094 na mga active cases rose mula sa nationwide caseload na 4,072,592.

Ang recovery tally naman ay nasa 3,996,745 na habang ang death toll ay umakyat pa sa 65,753.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *