DOH, nagbabala sa publiko matapos dumoble ang kaso ng dengue, tigdas, cholera, at rabies

Tuloy ang pagpapaalala ng Department of Health sa publiko na mag-doble ingat laban sa mga sakit na nakukuha sa tag-ulan; pati na rin ang pagsisigurong kumpleto ang bakuna ng mga bata.

Sa isa kasing pulong balitaan, sinabi ni DOH-Epidemiology Bureau Dir. Alethea de Guzman na nakapagtala sila ng mataas na bilang ng dengue, cholera, tigdas, pati na rin ng rabies.

Sa dengue, umabot sa 173,233 ang mga nagkasakit nito – 191% na mas mataas sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Nasa ‘high-risk’ din ngayon ang lahat ng mga rehyon sa bansa sa pagkakaroon ng tigdas outbreak dahil sa mababang bakunahan, pati na rin ang immunization sa iba pang mga ‘vaccine-preventable’ diseases.

Umabot sa 489 na measles at rubella cases ang naitala ng DOH – 167% na mas mataas mula noong 2021 sa kaparehong period.

Mayroon ding 3,890 na kaso ng cholera na mas mataas ng 286% noong nakaraang taon.

Pinaalaahanan din ng DoH ang publiko na bakunahan ang mga alagang hayop laban sa rabies.

Ito ay makaraang makapagtala ng 284 na mga kaso ng rabies mula Enero ngayong taon hanggang October 1.

Sa naturang bilang – lahat ay mga nangamatay.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *