DOH nagbabala sa sakit na dulot ng kawalan ng banyo sa mga bahay- bahay

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Department of Health hinggil sa posibilidad nang pagkakasakit sa mga lugar na walang sariling banyo o palikuran ang mga residente.

Sa isinagawang Media Dialogue nitong Martes, September 27, sinabi ni Engineer Leah Angela Castillo ng Environmental Health ng DOH Bicol na may mga lugar pa rin sa rehiyon na walang toilet facilities.

May mga household pa raw kasi na hindi ma- appreciate ang kahalagahan ng pagkakaroon ng banyo.

Aniya delikado ang ganitong nakagawian dahil maaari itong maging dahilan ng contamination sa mga katubigan at pagkalat ng waterborne illnesses.

Dapat umanong ugaliin ang paggamit ng toilet at pag sanitize ng kamay upang makaiwas sa sakit.

May mga Barangay na sa Camarines Norte tulad sa Basud ang nagpasa ng ordinansa na nag oobliga sa kanilang mga residente na magkaroon ng sariling banyo.

Ilang ganitong ordinansa na ang dumaan sa rebyu ng Sangguniang Bayan.

Isa pa sa binigyang diin ni Castillo ang hindi tamang pagtatapon ng mga infectious waste lalo na sa mga kabahayan.

Paalala nito na ihiwalay ang mga infectious waste tulad ng face mask sa mga karaniwang basura sa bahay.

Bago ilagay sa tamang tapunan ay kailangang i- idisinfect muna ito gamit ang alcohol o ibabad sa tubig na may sodium hypochlorite.

Noong Lunes, September 26 ay ipinagdiriwang ang World Environmental Health Day na may temang Protektahan ang ating kapaligiran dahil ang kalikasan ay kalusugan.

Sa bisa ito ng Presidential Proclamation 595 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *