DOH, naghihintay pa ng payo mula sa mga eksperto sa paggamit ng 2nd COVID-19 booster shots sa general population

Naghihintay pa ng payo mula sa mga eksperto ang Department of Health sa panggamit ng 2nd COVID-19 booster shots para sa general population.

Sa kasalukuyan, ang 2nd booster dose ay ibinibigay lamang sa mga health workers, matatanda, at mga may sakit.

Gayunpaman, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sumulat na sila sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para suriin ang paggamit ng second booster shots para sa natitirang populasyon.

Tiniyak din niya sa publiko na a ang unang booster dose ay epektibo pa rin laban sa critical at severe COVID-19.

Iniulat ng ahensya na 73 million katao  o 94.41% ng target  population sa bansa ay ganap na ngayong nabakunahan. Sa bilang na ito, 21 million na ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 booster shots.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *