Covid Update

DOH nagkapagtala ng karadagang 121 na kaso ng omicron subvariants

Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 121 na kaso ng highly transmissible omicron COVID-19 variant,  ayon sa Department of Health.

Sa 133 na samples na sinuri ng University of the Philippines- Philippine Genome Center, 23 ang inuri bilang BA.2.3.20, isa bilang BF.7, 28 bilang XBB, 45 bilang XBC, at 24 bilang iba pang mga subvariants ng omicron.

Ang mga karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay binubuo ng mga lokal na kaso mula sa Regions 1, 2, 3, 7, 11, at Metro Manila.

Ang  resulta ng sequencing run ay isinagawa noong December 14-15.

Ang karagdagang kaso ng BF.7 ay nagmula sa National Capital Region, habang ang lahat ng karagdagang XBC cases ay mula sa Region 11. Samantala, ang mga karagdagang kaso ng XBB ay nagmula sa Regions 7, 11, at NCR.

Sa ngayon, ang BA.5 pa rin ang dominant strain sa Pilipinas, na may 12,565 na kaso, ayon sa DOH.

BNFM Makati

Recent Posts

Bangka ng China sa Ayungin Shoal, pinalayas ng mga sundalong sa BRP Sierra Madre

Pinalayas ng mga tropa ng sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre ang mga maliit…

36 mins ago

PRO-7 naka kompiska og P16.4M balor sa drugas sulod sa duha ka adlaw nga SACLEO

Ang Police Regional Office 7 nihimo og laing hugna sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation…

38 mins ago

Mga Pilipinong nakaranas ng gutom – nadagdagan

Tumaas sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa…

45 mins ago

PCG – nangakong ‘di maghihiganti sa China

Kung paulit-ulit na mangha-harass ang China - paulit-ulit din na magsasagawa ang Philippine Coast Guard…

45 mins ago

Mahigit sa p1milyong halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska sa Brooke’s Point, Palawan

Nasabat sa isang warehouse ang nasa 105 na kahon ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga…

46 mins ago

MANIBELA – magkakasa ng tigil-pasada simula bukas

Magkakasa ng hiwalay na tigil-pasada simula ang grupong MANIBELA bukas! Ayon kay MANIBELA president Mar…

46 mins ago