Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa leptospirosis.
Ito’y dahil dumadalas na ang pagbaha sa bansa, at mataas na rin ang kaso ng leptospirosis sa Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, malaki ang tyansang magka-leptospirosis ang mga lumulusong sa baha.
Payo ni Herbosa, kung hindi talaga maiwasan na lumusong sa baha ay magsuot ng proteksyon katulad ng bota, at pagkauwi maghugas agad ng may sabon at tubig.