DOH, nagtala ng 890 new COVID-19 cases; Active cases, bumaba sa 17K

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 890 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan maitala ang nationwide total sa 2,828,660.

Ito ang pinakamababang daily case count ngayong taon.

Huling naitala ang mababang bilang noong Dec. 29, 2020, kung saan 886 ang naitalang bagong infections.

Sa ngayon, nasa 0.6% o 17,864 ang active cases, kung saan 53.4% ang mayroong mild symptoms, 21.39% ang nasa moderate condition, 14.4% ang severe symptoms, 6% ang nasa kritikal na kondisyon at 4.8% ang walang sintomas.

Samantala, ang death toll ay tumaas sa 47,682 — o halos 1.69% ng case count, matapos na pumanaw ang 200 pang pasyente, habang 1,710 na iba pa ang gumaling, dahilan para tumaas ang recovery tally sa 2,763,114 o 97.7% ng kabuoang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *