DOH, nagtala ng week-on-week spike sa mga kaso ng COVID-19

Tumaas ang daily average COVID-19 cases sa bansa noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health, kabuoang 9,069 katao ang nahawa sa virus noong Nov. 7-13.

Ito ay katumabas sa daily average na 1,296 cases o pagpataas na 43% mula sa naunang linggo nito.

Ang anim sa mga bagong kaso ay severely at critically ill, habang 613 pasyente na may critical infections ay nasa ospital pa.

Samantala, ibinahagi ng DOH na nasa 73.6 million katao o 94.29% ng target population ay bakunado na laban sa COVID-19, habang 20.7 million katao ang nakatanggap ng kanilang booster doses.

Nasa 6.9 million senior citizens naman o 79.42% ng target population, ang nakatanggap ng primary doses. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *