DOH naka-alerto sa pagkalat ng waterborne at foodborne diseases matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Paeng’

Naka-alerto ngayon ang Department of Health (DOH) sa posibleng outbreak ng mga waterborne at foodborne diseases kasunod ng malawak na epekto ng bagyong ‘Paeng’ sa bansa.

Sa isang press statement sinabi ng DOH na nagdeploy sila ng mga personnel sa mahigit anim-na-raang mga evacuation centers sa buong Pilipinas.

Ayon sa kagawaran bago pa man mag-landfall ang bagyo namahagi na sila ng mahigit P31.06-million ng halaga ng gamot sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Mayroon din umano itong P72.80 million halaga ng mga gamot na nakahanda para distribution kung kinakailangan.

Ang DOH din ang naatasan mamahala sa screening at triage ng mga evacuees, bukod sa iba pang mga responsibilidad tungkol sa mga serbisyong medikal at psychosocial na kanilang ibibigay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *