DOH, naka-detect ng OMICRON-BA.4 sa Bansa

Kinumpirma ng Department of Health na mayroon nang kaso ng isa pang bagong subvariant ng Omicron na BA.4 sa bansa.

Sa pahayag ng Kagawaran, ang kumpirmadong kaso na ito ay isang Pilipino na galing sa Middle East.

Nakabalik ito ng bansa noong May 4 at asymptomatic naman o walang ipinamamalas na sintomas.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan an ang DoH sa mga concerned LGUs para sa mabilis na detection at isolation ng mga COVID-19 cases.

Muli rin nitong pinaalalahanan ang mga LGUs na paigtingin ang bakunahan.

Ayon sa European Center for Disease Prevention and Control, isang ‘variant of concern’ ang Omicron BA.4.

Kung ikukumpara aniya ito sa iba pang mga subvariant, mas mabilis itong nakahahawa at mas malala ang idinudulot na sintomas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.