DOH, nakapagtala ng 1,031 bagong kaso ng Covid-19

Nakapagtala ng 1,031 pang kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ayon sa pinakahuling datus ng DOH, nasa 16,900 ang active infections o mga pasyenteng nakikipaglaban pa rin sa Covid-19 sa buong bansa.

Kabilang sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 5,346, sinundan ng Calabarzon na may 2,339; Central Luzon na may 1,126; Kanlurang Visayas na may 624; at Ilocos Region na may 530.

Ang dami ng nakumpirmang kaso mula noong 2020 ay nasa 4,059,369.

Sa kabuuan, 3,977,297 ang bilang ng recoveries at 65,172 ang namatay na may kaugnayan sa Covid-19.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *