DOH, nakapagtala ng 1,173 na bagong kaso ng COVID-19

Nagtala ng 1,173 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong Linggo at nadagdag sa kabuuang nationwide caseload sa 4,041,023.

Ito na ang ikaapat na sunod na araw na mahigit 1,000 bagong kaso ang naitala. Noong Sabado may naitalang 1,234 na bagong impeksyon ang DOH.

Batay sa pinakahuling datus ng DOH, bumaba ang active cases sa bansa sa 18,256 mula sa 18,430 noong Sabado. Sa loob ng siyam na magkakasunod na araw, ang mga active cases ay muling umabot sa mahigit 18,000.

Umakyat sa 3,958,042 ang bilang ng mga nakarekober habang umabot sa 64,725 ang bilang ng mga nasawi.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 4,824 na sinundan ng Calabarzon na may 2,009 at Central Luzon na may 1,025.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *