DOH, nakapagtala ng 12 bagong local cases ng Delta variant; Total Delta cases, umabot na sa 47

Nasa 12 mga bagong kaso ng Delta variant ng Covid-19 ang naitala ng Department o Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute of Health.

Base sa impormasyon mula sa DOH, ang labindalawang bagong kaso ng nasabing variant ay pawang mga local cases.

Natukoy na ang anim na kaso rito ay mula sa Region 3, dalawa sa CALABARZON, isa sa Region V at tatlo sa National Capital Region.

Ang pawang mga kasong ito ay recovered o gumaling na mula sa sakit habang ang outcome naman nito ay patuloy na vina-validate ng mga Regional Health Offices ng DOH.

Dahil dito, pumalo na sa 47 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng covid-19 sa buong bansa.

Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko at sa iba pang ahensya ng pamahalaan na mas higpitan ang mga borders ng bansa upang hindi na tuluyang kumalat pa ang Delta variant ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *