DOH, nakapagtala ng 3 bagong kaso ng Omicron subvariant na Arcturus

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit tatlo pang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16, o mas kilala bilang Arcturus, dahilan para sumipa sa apat ang kabuoang bilang nito.

Ayon sa huling biosurveillance report ng DOH mula April 12 hanggang 19, ang tatlong Arcturus cases ay naitala sa Western Visayas region.

Mababatid na ang tinaguriang variant of interest ng World Health Organization (WHO), o ang XBB.1.16 ay unang naitala noong Abril sa Iloilo.

Samantala, ang unang inulat ng DOH na ang first XBB.1.16 case ay asymptomatic at nakarekober na.

Samantala, inihayag ng DOH na ang kabuoang 159 infections ay XBB cases. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *