DOH, nakapagtala ng 5 fireworks-related injuries

Nakapagtala na ng limang fireworks-related injuries ang Department of Health  mula December 21 hanggang  December 25.

Ayon sa DOH, ng mga kaso ay naitala mula sa 61 sentinel hospitals.

Ang kabuuang bilang ng injuries ay 50% na mas mababa kumpara sa parehong panahon noong 2021.

Hinimok ng Health Department ang mga Pilipino na iwasan ang paggamit ng fireworks at firecrackers  para magkaroon ng ligtas na selebrasyon ngayong bagong taon.

Samantala, umapela ang Department of Trade and Industry sa publiko na huwag bumili ng mga uncertified local products dahil maaaring magresulta ito sa pinsala sa mga ari-arian at maging sanhi ng pagkamatay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *