DOH, nakapagtala ng mahigit 700 na kritikal at malalang kaso ng Covid-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 707 o 12.6% ng mga kritikal at malalang kaso ng Covid-19 sa mga ospital sa bansa.

Ayon sa DOH, mas mataas ito kumpara sa nakalipas na ilang linggo kung saan nakapagtala ng 692 severe at critical patients o nasa 11.9%.

Tinatayang nasa 2,951 o 18.4% ang mga nasa intensive care unit (ICU) habang naitala naman ang nasa 272 ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa nakalipas na pitong araw.

Samantala, iginiit ng ahensya na mahigpit na sumunod sa mga ipinapatupad na mga health protocols lalo na ngayong Semana Santa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *