DOH, nakikitang magkakaroon ng mas maluwag na pasko sa bansa

Aasahan ang mas maluwag na pasko ngayong taon matapos magkaroon ng mataas na vaccination rate at kahandaan ng mga ospital sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, magiging kakaiba ang pasko ngayong taon kumpara sa nagdaang mga pasko, dahil puno na ng panlaban sa sakit ang mga Pilipino.

Sa pagtatala ng DOH, 73.7 milliong mga Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, at 21 million na ang nakatanggap ng booster shots.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ng DOH ang kahandaan ng mga ospital sa pagtanggap ng COVID-19 patients.

Dagdag ni Vergeire, naging eksperto na ang mga doktor sa bansa sa paggamot ng COVID-19, at naging bihasa na sa pagsalba ng buhay ng kanilang kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *