DOH: nananatiling stable ang presyo ng mga gamot sa bansa

Iniulat ng Department of Health na sa gitan ng tumataas na presyo ng ilang basic commodities sa Pilipinas, nananatili naman umanong stable ang presyo ng gamot.

Pero sa gitna nito, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, na may bahagyang pagtaas sa presyo ng gamot para sa hypertension.

Ayon kay Vergeire, na ang stable na presyo ng mga gamot sa bansa ay dahil sa pagpapatupad sa Maximum Drug Retail Price (MDRP).

Batay sa website ng DOH, mayroon ngayong 204 na mga gamot na nasa ilalim sa listahan ng MDRP, na una nang ipinatupad noong June 2020, kabilang na ang para sa asthma, hypertension, high cholesterol, diabetes, chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer, colorectal cancer, breast cancer, at iba pa.

Dahil sa implementasyon ng MDRP, ang mga gamot para sa pangunahing mga sakit ay nabawasan ang bigat ng hanggang 93 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *