CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Department of Health sa publiko na tangkilikin ang mga generic na gamot na mabibili sa merkado.
Sa isinagawang Press Conference kahapon kaugnay sa pagdiriwang ng Generic Awareness Month, sinabi ni Alexa Albao, Pharmacist, Strategic Management and Health Facility Development Division ng DOH Bicol na bukod sa ligtas ito tulad ng branded na gamot ay dumadaan din umano ito sa masusing proseso bago ilabas sa merkado.
Aniya, bago ibigay sa pasyente ang gamot ay sumasailalim ito sa laboratory analysis at pinapadala sa Food and Drug Administration para sa testing.
May sinusunod umanong presyo ang mga botika susog sa Drug Prices Reference Index na makikita sa DOH website.
Ayon kay Albao suportado ng DOH ang generic medicine dahil nagbibigay ito ng substantial help at economic benefit sa pasyente at sa kanilang pamilya gayundin sa national system.
Sa pamamagitan umano ng abot kayang gamot ay masisigurong makukumpleto ng pasyente ang treatment patungo sa kaniyang pagaling.
Ngayong 2023 ay ipinagdiriwaang ang ika- 35 taong pagkakapasa ng Republic Act 6675 o ang generics act of 1988.
Layon ng batas na ipalaganap, hikayatin at i- require ang paggamit ng generic.
Sabi pa ni ย Albao dapat mayroong generic name ang mga resetaย at ito talaga ang importane sa prescription.
