DOH, naniniwalang ‘di pa panahon para magtaas ng alert level sa bansa

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque na hindi pa rin napapanahon para taasan ang alert level ng Metro Manila at ng ilang mga lugar sa bansa sa gitna ng naitatalang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa isang panayam, sinabi ni Duque na kung pagbabasehan ang projection, maari nga raw magkaroong muli ng 1,500 hanggang 2,000 cases kada araw sa Hulyo.


Samantala, sa Department of Health Media Forum naman, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili pa rin sa low-risk classificaiton ang bansa sa kabila ng naitatalang pagdami ng mga COVID-19 cases.

Paliwanag ng health official, mababa pa rin aniya ang naitatalang hospital admissions, pati na rin ang utilization rates.

Sa huli, tuloy ang paalala ni Vergeire na manatili pa rin sa pagsusuot ng mga face masks at sumunod pa rin sa mga umiiral na health protocols para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *