DOH, napansin ang upward trend ng COVID-19 cases sa VisMin

Binigyang diin ng Department of Health na kailangang matutukan ang Visayas at Mindanao dahil sa kapansin-pansing upward trend sa mga kaso ng COVID-19.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbaba sa infections at health care utilization sa Metro Manila at ibang probinsya ng Luzon.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, medical specialist ng DOH Epidemiology Bureau, ang COVID-19 cases sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite ay patuloy ang downward trend at mas kaunti kumpara noong nagsimula ang enhanced community quarantine noong Marso.

Sa kabila nito, ang positive growth rate ay napansin sa sampung rehiyon na karamiha’y mula sa Visayas at Mindanao, kung saan tumataas ang daily attack rate, o ADAR.

Ilan sa mga lugar na ito ay ang Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Mimaropa, Caraga, Northern Mindanao, Soccsksargen, Bicol, Davao, Eastern Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region.

Sa ngayon, ang bansa ay may average na 5,886 cases per day, na halos kalahati sa bilang mula noong peak ng infection sa 10,406 mula April 6 hanggang 12. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *