DOH, nilinaw na 17,883 ang bagong kasong naitala noong Miyerkules

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na mahigit 17,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Miyerkules, September 8.

Ayon sa ahensya, nagkaroon umano ng technical problem ang kanilang data collecting system.

Mula sa 12,751 na naiulat noong Miyerkules, nadagdagan ito ng 5,132 pang kaso, dahilan upang umabot sa 17,883 ang naitalang kaso ng araw na iyon.

Nadagdagan rin umano ang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit ng 43, dahilan upang umabot sa 20,192 ang naitalang bilang ng recoveries noong Miyerkules.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ng DOH sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang problemang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *